Monday, June 12, 2006
hwag ng init ulo baby
narinig ko na naman ang litanya ng aking agom(salitang asawa sa bikol) na para bang isang awitin ng isang banda.tuwing ihahatid ako ni jon sa aking workplace di nya nakakalimutan na paalalahanan ako na iwasan ang makipag argumento sa aking mga katrabaho,bakit kamo e lagi akong umuuwing umuusok sa galit.makasama mo ba naman ang mga taong gusto lang sumweldo pero ayaw gumawa eh di heart attack ang lagi kong inaabot!sabi pa nga ni jon "wala ka na sa freedom park,di mo pwedeng iapply sa kanila ang prinsipyong natutunan mo na pantay pantay sa lahat ng bagay lalo na sa paggawa.bakit ganon?bakit hindi pwede?pareho ang sweldo dapat pantay paggawa!di ko yata kaya na bukod sa pagsasamantala ng kompanya pagsasamantalahan pa ako ng kapwa ko workers!oh no!marami pa sana akong dapat sabihin kaya lang time out muna umiiyak na ang aking munting bunso!papasok na naman ako bukas at may bahid na naman ako agam agam na may susuungin na naman akong argumento,pero di bale na ang mahalaga ay isa akong manggagawa na umaasa pa rin sa pagkakapantay pantay sa lipunang ito,baka nga kailangan ko munang basagin ito sa hanay mismo ng aking mga katrabaho bago ko pangarapin ang isang bagay na malayo pa sa aking mga pangitain.......kaya lang sana...... sana lang...
Subscribe to:
Posts (Atom)