Wednesday, March 09, 2011
may pinipilit akong aninagin sa karimlan
mga repleksyon na ginagabayan ng liwanag ng buwan
kay tagal na palang lumipas ng panahong di namalayang nakaligtaan
pusok at pag -ibig,luha at pagsuyo,dala ng pangarap at kamusmusan
natatandaan mo pa ba ang mga usal at karinyo
sa tabing dagat na tila ba itinutulak ng alon ang puso
mga dampi ng yong labi na nag uugnay sa ating mga pangako
saksi ang isang laksang bituin na animoy paroo't parito
dama ko ang buhangin habang tayo ay nakahiga
nakatingala sa ulap na hawak kamay minsa'y walang salita
samyo ng hangin ang nag uusal ng ating mga panata
alunignig ng kuliglig ang ritmo ng ating musika
may babalikan pa ba sa panahong nagdaan?
o sadyang pinawi na ang bakas sa dalampasigan
kahapon at ngayon,ika'y isang pag ibig
na sasariwain sa panahon ng ligalig
at ako'y muling bumalik sa dagat ng ating kabataan
upang hanapin doon ang yong pagsintang iniwan
muli kong tinitigan ang tahimik na kalawakan
ngunit bakit wala akong natagpuan?
may hapdi at kurot na ako'y humakbang
nakalimot na ika'y nasa aking likuran
tinanong mo ako kung bakit mata ko'y may lumbay
na tugon ko'y di ko na mahanap,nakakapanghinayang!
kinuha mo ang aking mga kamay at dinala sa sa yong dibdib
at winikang,ng tayo ay lumisan pagkatapo ng pangako
iyon ay aking iningatan dito sa aking puso
hindi para maglaho kundi umukit ng ubod ng tigib
unti unti kong inangat aking mukha upang aninagin ang yong mga mata
di ko mawari at biglang naguluhan,puti na iyong buhok .noo'y may gatla
lumipas na ang panahon ikay di naman pala lumisan
kasama kong binagtas ang pangako ng pag ibig,kabataan lang pala ang umalis
- tula alay kay maru sa panahong babalikan namin ang mga nakaraan ilang taon pa mula ngayon.....
Subscribe to:
Posts (Atom)