There are good days,there are bad days
It seems this monster trying to invade
Creeping to the tunnel of breathing
Leaving poor soul but to gasps for air
Battle that no one can be sure
How to defeat combat or lure
Strenght to fight or fight for strenght
Brave or weak who knows to beat
From a distance , we reckon it is safe
But the gust of wind, seems like a wave
Quarantine and isolation to save
Or virus will hunt for us to enslave
What must to be done or undone
To end all of this,not as we think is fun
Until when we have nowhere no run
Courage we stand until this is gone
Friday, June 12, 2020
In an enclosed four walls of our sanity
Barred in fear,chaos and anxiety
How can be death so imminent
Where and when no one knows the beginning of the end
Life in death or death in life
Humanity or humility
Sufferings in tragedy
Storms to clear the foggy mind
Virality of a virus
Purging or healing
Who chooses which
When no one is an exemption
By Maloy
A night without Sleep/Sa Gabing walang idlip
Barred in fear,chaos and anxiety
How can be death so imminent
Where and when no one knows the beginning of the end
Life in death or death in life
Humanity or humility
Sufferings in tragedy
Storms to clear the foggy mind
Virality of a virus
Purging or healing
Who chooses which
When no one is an exemption
By Maloy
A night without Sleep/Sa Gabing walang idlip
Hinugot mo ang lakas ng loob sa iyong dibdib
Upang masulyapan apat mong supling
Mga bawat hakbang mo inihatid ka sa tulay
Na sa iyong akala ay magtatawid sa mahal mo sa buhay
Limang araw na para bang umikot ang buo mong pangarap
Na dumating ang isang saglit sila ay mayakap
O buhay , bakit naging maramot ang pagkakataon
Sa tulad mong sa kahirapan ay nais makaahon
Narinig ba nila ang panaghoy ng isang ina?
Nadama ba nila ang iyong pangungulila?
Sa gabing walang idlip , sayo ay ipinagkait
Lipunang kay damot at sukdulan ang lupit
Bakit ? Bakit ? Tanong ng mga paslit
Na inagawan ng inang labis naging pasakit
Sino ang tutugon sa kanilang panaghoy
Kung walang sinuman nag ambon ng awa at abuloy.
Michelle
10/06/2020
Upang masulyapan apat mong supling
Mga bawat hakbang mo inihatid ka sa tulay
Na sa iyong akala ay magtatawid sa mahal mo sa buhay
Limang araw na para bang umikot ang buo mong pangarap
Na dumating ang isang saglit sila ay mayakap
O buhay , bakit naging maramot ang pagkakataon
Sa tulad mong sa kahirapan ay nais makaahon
Narinig ba nila ang panaghoy ng isang ina?
Nadama ba nila ang iyong pangungulila?
Sa gabing walang idlip , sayo ay ipinagkait
Lipunang kay damot at sukdulan ang lupit
Bakit ? Bakit ? Tanong ng mga paslit
Na inagawan ng inang labis naging pasakit
Sino ang tutugon sa kanilang panaghoy
Kung walang sinuman nag ambon ng awa at abuloy.
Michelle
10/06/2020
Friday, October 04, 2019
Ikaw at ako at ang mga lihim
Na namamagitan at para lamang sa atin
Mga rebelasyong tayo lang ang may angkin
Sa kaibuturan ng puso at damdamin
Mapalad ako na ikaw ay natagpuan
Sa panahon ng panimula ng kamulatan
Sabay nating tinahak ang landas ng karanasan
Hindi naging madaling nakuha ang kaligayahan
Sa tuwing kita'y pinagmamasdan
Di ko na alam ang pakiramdam
Nang buhay sa sayo ay mawalay
Bigkis natin patuloy na tumitibay
Mula noon hanggang ngayon
Sa yo lamang nakatuon
Buhay ko at alay na pag- ibig
Walang makakasukat kahit anumang ligalig
Panahong lumipas at dumatal
Ikaw itatangi aking mahal
Sa patuloy nating paglalakbay
Mahigpit mong hawakan aking kamay
-Diwang naglalakbay sa gabing walang idlip.Para kay Maru (agom) .
October 04,2019
Na namamagitan at para lamang sa atin
Mga rebelasyong tayo lang ang may angkin
Sa kaibuturan ng puso at damdamin
Mapalad ako na ikaw ay natagpuan
Sa panahon ng panimula ng kamulatan
Sabay nating tinahak ang landas ng karanasan
Hindi naging madaling nakuha ang kaligayahan
Sa tuwing kita'y pinagmamasdan
Di ko na alam ang pakiramdam
Nang buhay sa sayo ay mawalay
Bigkis natin patuloy na tumitibay
Mula noon hanggang ngayon
Sa yo lamang nakatuon
Buhay ko at alay na pag- ibig
Walang makakasukat kahit anumang ligalig
Panahong lumipas at dumatal
Ikaw itatangi aking mahal
Sa patuloy nating paglalakbay
Mahigpit mong hawakan aking kamay
-Diwang naglalakbay sa gabing walang idlip.Para kay Maru (agom) .
October 04,2019
Wednesday, March 09, 2011
may pinipilit akong aninagin sa karimlan
mga repleksyon na ginagabayan ng liwanag ng buwan
kay tagal na palang lumipas ng panahong di namalayang nakaligtaan
pusok at pag -ibig,luha at pagsuyo,dala ng pangarap at kamusmusan
natatandaan mo pa ba ang mga usal at karinyo
sa tabing dagat na tila ba itinutulak ng alon ang puso
mga dampi ng yong labi na nag uugnay sa ating mga pangako
saksi ang isang laksang bituin na animoy paroo't parito
dama ko ang buhangin habang tayo ay nakahiga
nakatingala sa ulap na hawak kamay minsa'y walang salita
samyo ng hangin ang nag uusal ng ating mga panata
alunignig ng kuliglig ang ritmo ng ating musika
may babalikan pa ba sa panahong nagdaan?
o sadyang pinawi na ang bakas sa dalampasigan
kahapon at ngayon,ika'y isang pag ibig
na sasariwain sa panahon ng ligalig
at ako'y muling bumalik sa dagat ng ating kabataan
upang hanapin doon ang yong pagsintang iniwan
muli kong tinitigan ang tahimik na kalawakan
ngunit bakit wala akong natagpuan?
may hapdi at kurot na ako'y humakbang
nakalimot na ika'y nasa aking likuran
tinanong mo ako kung bakit mata ko'y may lumbay
na tugon ko'y di ko na mahanap,nakakapanghinayang!
kinuha mo ang aking mga kamay at dinala sa sa yong dibdib
at winikang,ng tayo ay lumisan pagkatapo ng pangako
iyon ay aking iningatan dito sa aking puso
hindi para maglaho kundi umukit ng ubod ng tigib
unti unti kong inangat aking mukha upang aninagin ang yong mga mata
di ko mawari at biglang naguluhan,puti na iyong buhok .noo'y may gatla
lumipas na ang panahon ikay di naman pala lumisan
kasama kong binagtas ang pangako ng pag ibig,kabataan lang pala ang umalis
- tula alay kay maru sa panahong babalikan namin ang mga nakaraan ilang taon pa mula ngayon.....
Wednesday, December 02, 2009
Break Time
Bakit ganun na ang pakiramdam ko sa feelings natin sa isa't isa,ang layo layo na!Mahirap pala yung ganun,walang arguments pero laging nasa gitna ang tensyon...Wala namang gustong mauna sa atin na basagin ang katahimikan,kung ano ba talaga ang tunay na score sa ting dalawa.sabi ko nga sa yo,sa pagkakaalam natin pareho naman tayong logical ,pero parang napaka walang kwenta ng pinatutunguhan ng lahat.Basta nagsawa na lang ba?Ganun na lang yun?
Wednesday, May 13, 2009
Haring Morpheus(Liwanag sa Dilim)
Dumating ka sa aking buhay sa di ko inaasahang pagkakataon.Mula pa ng una'y kinasusuklaman ko ang ideya na malapit man lang sa yo,ikaw na mapaglinlang na tupa.Ako'y lupang tigang sa sikat ng araw,naghihintay kahit man lang hamog na manggagaling sa magdamag na pag abang sa malamig na gabi.Nang magsimulang matighaw ang aking ugat,umakyat ito patungo sa sinapupunan ng buhay,tumibok at nagpupumiglas na mabigyang katarungan ang presensya ng paglikha.At doon ko naramdaman ang aking pagkatao-ang aking pagkababae.Ngunit di lahat ng pamumukadkad ay kasing tamis ng nektar!Unti -unti naging isang hapis ang lahat ng glorya. Ang tik tak ng bawat segundo ay isang latigo na humahaplit sa aking nagugulumihang kaluluwa.Bumubulusok ako sa isang patibong na di ko matanaw ang silip ng liwanag.Walang araw at gabi na di ko nalalasap ang alat ng luha.Pinilit kong mawalan ng ulirat sa lahat ng bangungot na ito-at ako ay naging isang bagay na walang saysay.Isang teorya na napasailalim sa mga matang mapangmatyag.Nararamdaman ko sa pagitan ng aking kamulatan at panaginip na malapit ko ng isuko ang laban,sabi nila hindi ito ang pakikibaka na pwede kong pagtagumpayan at naniwala ako sa alunignig ng katotohanan at pagkutya.Banayad kong ipinikit ang aking mga mata para sa akin tapos na ang lahat,at biglang mula sa karimlan ay naramdaman kitang sumukob sa aking espiritu.Animo'y isa kang arkanghel na nag- angat sa akin patungo sa espasyo ng langit at lupa.Bakit di ko inaasahan na ganitong kapayapa ang kayang mong idulot.Sumisid akong kasama ka sa pusod ng dagat.Umakyat tayo sa matayog na bundok.Tinalon natin ang matarik na bangin.Inabangan natin ang pagsabog ng nag-aalimpuyong bulkan at lahat ng ito ay isang di maipaliwanag at rurok ng kaluwalhatian.Ang lahat ng pait na dumadaloy sa akin ay nagiging pulo't gata ng pag asa na ikaw lang pala ang makapagbibigay.Hinango mo ako sa limbo ng walang katiyakan.Alam ko na di wasto pero ang katumpakan ng bawat kirot ay manhid na sa bawat indayog ng iyong kapangyarihan.Walang kasing tahimik ang bawat hampas ng daluyong,di na kailanman ako matitigatig ng nagngangalit mong pagsambulat..Matagal sa yo ako ay nahimlay,di ko napagtanto kung ako'y isang nimpa na naligaw sa yong masukal na kagubatan o diwatang naghihintay ng aliw ng isang estrangherong kailanma'y wala ng babalikan.Mahigit syam na buwan na ikaw ay aking naging kalaguyo!Pagtataksil na ubod tamis ng kapalit.Ikaw ang aking katuwang ng aking iluwal ang metamorposis ng pag ibig.Hindi ko kailanman kinasuklaman ang iyong presensya kahit ito'y nakakalason sa aking diwa.Walang bahid ng panghihinayang na inihatid mo ako sa pinto ng busilak na hardin.Naging isang malamig na nyebe na huminto sa pagdaloy ang butil ng aking luha at lahat ng iyon ay dahil sa dala mong hiwaga.......At unti-unti ako'y nagising sa pagkakasadlak sa isang malungkot na kamatayan.Nakarinig ako ng mga tinig,tumatawag,nanghihikayat.Ikaw raw ay dapat ko ng lisanin.....hupa na daw ang pusok na romansang dulot mo!At ng sandaling iyon ang liwanag ay naging dilim kung paano noon ang aking dilim ay naging liwanag...Ako'y muling naguluhan sa pakikipagsapalaran ko sa iyo !At sa wakas ika'y nagkaron ng katauhan sa huling yugto ng aking paglalakbay.Ngunit oras natin ay tapos na...Paalam o aking Haring Morpheus!Hanggang sa muli nating pagtatagpo.........
Wednesday, May 06, 2009
Usapang Kama
Ewan ko ba!Sa tinagal tagal na naming mag asawa ni Kevin,madalas pa rin akong maasar sa mga usaping binabalot ng libog at pag-ibig.Masyadong kumplikado magmahal ang aking nakuhang kabiyak at sex partner.Hindi ko yata kailanman maintindihan ang biological na dikta ng katawan ng babae kumpara sa hamon ng init na pagnanasa ng lalaki(di ako boba para di ma recall ang basic sex education na itinuro ng aking titser bagama't ginugol ko ang apat na taon sa mataas na paaralan sa poder ng mga madre)O di kaya ay busy lang ako sa pangangarap ng gising when i was 13 years old kaya di pumasok sa utak ko ang mga unang aral ng sex bago ako nagkaroon ng aktuwal na karanasan sa larangan ng pagninig..Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko,ang pakikipagtalik para sa akin ay tulad ng pakikipagtagisan ng teorya,mga samut-saring pilosopiya na naghahatid ng kakaibang glorya,kaya sa madali't sabi hindi po basta bumibigay ang"bataan" ng walang psychological stimulation.Minsan naman ay nasasabayan nya ang aking mga trip pero mas madalas ay inaabot ng pikon lalo na kung inaabot na din sya ng sakit ng puson .Madalas nyang sabihin sa akin na ihiwalay ko ang isyu ng pulitika o mga paksang tumatalakay sa lipunan at buhay kapag kami ay walang mga saplot dahil iyon daw ay panahon ng pagbibigay laya sa lahat ng mga naiipon naming pananabik.Wala talagang bagay na magkapareho sa mundo,lahat tayo may individual na interpretasyon sa bawat mga rason katulad na kung paano ang persepsyon natin sa sex.Para sa akin hindi lang ito isang pag ibig o libog o kati na dapat kamutin.Hindi rin ito isa lang aktibidad upng maibsan ang init ng laman o di kaya'y pagbibigay pugay sa ating pagiging babae o lalaki kasama na rin ang mga bakla at tomboy,seks sa pangkalahatan hetero man o homo anuman ang saligan ng pagsasadula ng ating ekspresyon.Kumplikado para sa akin ang bagay bagay na tumatalakay sa usaping ito.Proseso ito ng isang pag iisa at pakikidigma,mga kontradiksyon madugo at mapayapa.Minsan iniisip ko kung iniisip ng aking partner na killjoy ako sa larangang ito.Hindi raw naman ,kapag ako daw naman kasi ang nangangalabit marami daw akong paraan para maipanalo ang aking gusto,pati daw ba naman sa pakikipagniig pinupulitika ko daw sya,sabi ko naman dapat naaaninag nya ang aking saloobin kapag ako ang nagkukusa dahil may malalim iyong dahilan(syempre bukod sa pisikal na satispaksyon na dulot nito dahil di naman ako robot para itanggi ang kayang ibigay na rurok na ligaya nito)bagamat tamad naman talaga akong magkusa!Lagi laging sumasagi sa aking isip na ang ugnayan ba ng katawan ay ugnayan din ng isipan?Halimbawa kung maglabas ba sya ng isang babaeng bayaran iba ba ang approach ng pakikipagtalik nya sa prosti kung pano sya makipagtalik sa akin?Tinanong ko na sa kanya iyon pero sabi nya iba daw naman yun kasi hindi raw naman involved ang puso,ang sagot ko naman eh pano yun iba iba din naman tayo ng konsepto ng "puso".Siguro di ko maipapaliwanag kung paano o kung bakit kasi di ko pa naman nasubukang makipagtalik ng di involved ang aking puso(which means ang aking isip!) O kung ang aking isip ang nakikipagtagpo sa larangan ng "lovemaking" mas malinaw kayang "mindmaking" ang aking ibansag ,ibig bang sabihin nito eh may tsansa akong tumalon sa bakod kung may indibidwal na pwedeng magkaron ng pinakamalapit na koneksyon sa aking field of interest?Dapat ko bang tawaging seks ang malayang pakikipaglanguyan ng pangarap?ng rebolusyon? ng pagkatalo?ng tagumpay?ng pag-asa?ng tag-sibol?o ng kamatayan?ng ulan?ng pagsikat at paglubog ng araw o di kaya'y ang pagsilay ng nahihiyang buwan?ng tuwa?ng tanong?ng agam-agam?ng takot?ng hamon?ng pagkabigo?o mismong ang pinakamasakit na paraan ng pakikipagtalik sa kalungkutan?Marahil kung lahat ng ito ay pwedeng maging isang paraan ng seks....Itinatanghal ko ang aking sarili na Sex Goddess of all times!
Friday, May 23, 2008
Nag-iisang komrad sa aking Puso
Ilang panahon na ba ang lumipas ng aking natutunan ang isang paniniwala/idelohiya na naglapit sa yo?Lagi kong binabalikan ang mga ala-ala ng magkakahalong damdamin.Takot-na sa bawat paglisan mo ay di ka na babalik pa mula sa isang madugong pakikidigma.Tuwa-sa sandaling masilayan ko ang mga bawat hakbang mo patungo sa aking kinalalagyan.Pag-aalinlangan-sa bawat unos na humahampas sa dalampasigan ng ating pagsuyo.Galit-sa lipunang nag -udyok sa atin upang maging isang mapaghimagsik na mga kaluluwa.Pag-asa-sa bagong bukang liwayway na sisilip sa ating mga adhikain.
Matagal kong iningatan ang pag-ibig na walang patutunguhan ng mga panahon na yon,nagkaroon din ako ng mga katanungang may bahid ng sakit ang mga sagot-na baka nga walang pag-asa.Pero patuloy akong sumagwan sa laot ng iyong mga pangako-mga pag-ibig na hinabi sa masalamuot na sigalot.
At ngayon,binibilang ko ang mga taon ng ating pagiging magkarelasyon.Labing -apat na taong punong puno ng pakikipagsapalaran!Marahil itatanong mo sa kin kung napagtagumpayan ba natin ang lahat ng ito?Matagal ko ng inalam sa aking sarili ang mga kasagutang punong puno ng tamis at pait.Katulad ng ating pakikibaka,ang ating pag-ibig ay isang reboulsyong mahirap matanaw ang dulo ng tagumpay.Animo'y isusuko subalit patuloy ang laban.Masarap damhin ang naging bunga ng lahat lahat ng ito.Sa bawat paglingon ko,di na ko natatakot pang may makakabuwag ng ating moog.Ang mga pagdududa ay tuluyan ng pinawi ng iyong pagsisikap na pagtakpan ang mga kahinaang dala mo sa pagpasok sa ating relasyon,katulad din ng pagmulat mo sa kin na ako man ay may mga kahinaan din.Tagumpay na ako na ikaw ang aking naging kasama at kabiyak.Naabot ko na ang mga hinahanap ko sa buhay.Hindi na ko nangangamba na subukan pa tayo ng pagkakataon .Ikaw ang dahilan kung bakit ako may munting anghel,ikaw lang ang aking tanging dahilan sa pagsibol ng ating Gabriel.....Hindi ko kailanman makukuha ang anumang uri ng tagumpay kung wala ka at wala si bunso....Ikaw at si gabriel ang tangi kong tagumpay.....
Mula sa umpisa hanggang sa huli,patuloy sanang maging isa ang ating pagsuyo..
Maraming salamat sa makukulay nating paglalakbay,ikaw na aking Komrad Kevin.
Matagal kong iningatan ang pag-ibig na walang patutunguhan ng mga panahon na yon,nagkaroon din ako ng mga katanungang may bahid ng sakit ang mga sagot-na baka nga walang pag-asa.Pero patuloy akong sumagwan sa laot ng iyong mga pangako-mga pag-ibig na hinabi sa masalamuot na sigalot.
At ngayon,binibilang ko ang mga taon ng ating pagiging magkarelasyon.Labing -apat na taong punong puno ng pakikipagsapalaran!Marahil itatanong mo sa kin kung napagtagumpayan ba natin ang lahat ng ito?Matagal ko ng inalam sa aking sarili ang mga kasagutang punong puno ng tamis at pait.Katulad ng ating pakikibaka,ang ating pag-ibig ay isang reboulsyong mahirap matanaw ang dulo ng tagumpay.Animo'y isusuko subalit patuloy ang laban.Masarap damhin ang naging bunga ng lahat lahat ng ito.Sa bawat paglingon ko,di na ko natatakot pang may makakabuwag ng ating moog.Ang mga pagdududa ay tuluyan ng pinawi ng iyong pagsisikap na pagtakpan ang mga kahinaang dala mo sa pagpasok sa ating relasyon,katulad din ng pagmulat mo sa kin na ako man ay may mga kahinaan din.Tagumpay na ako na ikaw ang aking naging kasama at kabiyak.Naabot ko na ang mga hinahanap ko sa buhay.Hindi na ko nangangamba na subukan pa tayo ng pagkakataon .Ikaw ang dahilan kung bakit ako may munting anghel,ikaw lang ang aking tanging dahilan sa pagsibol ng ating Gabriel.....Hindi ko kailanman makukuha ang anumang uri ng tagumpay kung wala ka at wala si bunso....Ikaw at si gabriel ang tangi kong tagumpay.....
Mula sa umpisa hanggang sa huli,patuloy sanang maging isa ang ating pagsuyo..
Maraming salamat sa makukulay nating paglalakbay,ikaw na aking Komrad Kevin.
Subscribe to:
Posts (Atom)