Ilang panahon na ba ang lumipas ng aking natutunan ang isang paniniwala/idelohiya na naglapit sa yo?Lagi kong binabalikan ang mga ala-ala ng magkakahalong damdamin.Takot-na sa bawat paglisan mo ay di ka na babalik pa mula sa isang madugong pakikidigma.Tuwa-sa sandaling masilayan ko ang mga bawat hakbang mo patungo sa aking kinalalagyan.Pag-aalinlangan-sa bawat unos na humahampas sa dalampasigan ng ating pagsuyo.Galit-sa lipunang nag -udyok sa atin upang maging isang mapaghimagsik na mga kaluluwa.Pag-asa-sa bagong bukang liwayway na sisilip sa ating mga adhikain.
Matagal kong iningatan ang pag-ibig na walang patutunguhan ng mga panahon na yon,nagkaroon din ako ng mga katanungang may bahid ng sakit ang mga sagot-na baka nga walang pag-asa.Pero patuloy akong sumagwan sa laot ng iyong mga pangako-mga pag-ibig na hinabi sa masalamuot na sigalot.
At ngayon,binibilang ko ang mga taon ng ating pagiging magkarelasyon.Labing -apat na taong punong puno ng pakikipagsapalaran!Marahil itatanong mo sa kin kung napagtagumpayan ba natin ang lahat ng ito?Matagal ko ng inalam sa aking sarili ang mga kasagutang punong puno ng tamis at pait.Katulad ng ating pakikibaka,ang ating pag-ibig ay isang reboulsyong mahirap matanaw ang dulo ng tagumpay.Animo'y isusuko subalit patuloy ang laban.Masarap damhin ang naging bunga ng lahat lahat ng ito.Sa bawat paglingon ko,di na ko natatakot pang may makakabuwag ng ating moog.Ang mga pagdududa ay tuluyan ng pinawi ng iyong pagsisikap na pagtakpan ang mga kahinaang dala mo sa pagpasok sa ating relasyon,katulad din ng pagmulat mo sa kin na ako man ay may mga kahinaan din.Tagumpay na ako na ikaw ang aking naging kasama at kabiyak.Naabot ko na ang mga hinahanap ko sa buhay.Hindi na ko nangangamba na subukan pa tayo ng pagkakataon .Ikaw ang dahilan kung bakit ako may munting anghel,ikaw lang ang aking tanging dahilan sa pagsibol ng ating Gabriel.....Hindi ko kailanman makukuha ang anumang uri ng tagumpay kung wala ka at wala si bunso....Ikaw at si gabriel ang tangi kong tagumpay.....
Mula sa umpisa hanggang sa huli,patuloy sanang maging isa ang ating pagsuyo..
Maraming salamat sa makukulay nating paglalakbay,ikaw na aking Komrad Kevin.
Friday, May 23, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment